HUWAG N'YO NANG BASAHIN, WALA LANG `TO.
Kinanginang Earth `to. Noon, iniisip ko na magandang ideya ang work from home. Walang stress sa traffic. Walang likod na sasakit sa pila. Walang gastos sa pamasahe at tipid sa labada dahil walang uniporme. Napag-isip-isip ko ngayon na hindi rin pala maganda, lalo kung hindi ka self-employed gaya ng mga artistang mabenta pa rin kahit sa social media platforms. Isipin mo. `Yung pressure ng trabaho na ang reliever sana e ang nakaka-relax na tahanan at higaan, hindi mo lang naging kapit bahay kundi naging kasiping mo pa. Kapag nagigising ako mula sa pagtulog, pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko dahil natulog lang ako sa trabaho. Walang time in, walang time out. Ang trabaho ay anytime at anywhere. May pagkakataong natutuliro `yung daliri ko sa pagtipa habang tumatae. At dahil nga nasa bahay ka, maraming hadlang sa productivity. Pero hindi mo kontrolado ang lahat, dahil hindi ka diyos sa bahay at hindi sakop ng jurisdiction ng company policies ang tahanan n'yo.