BEHIND THE PAGES: THE WRITER'S BRIDE
"Write to express, not to impress." "Write from your heart and don't just follow the trend." "Write with a purpose and not just because you want to be famous." Ilan lang `yan sa mga gasgas na pangaral na siguradong narinig n'yo na. Maaaring sinabi sa inyo, kinomento sa akda n'yo o kung hindi man e naging malaking balakid sa creative freedom n'yo dahil sa pagiging conscious sa sasabihin ng iba. Dahil d'yan, nandito nanaman tayong muli sa isang segment ng "Behind The Pages" kung saan kukuwentuhan ko nanaman kayo kung pa'no ipinanganak ang isa sa mga akda ko na siguradong hindi n'yo pa nababasa, pero huwag n'yong basahin dahil baka mahusgahan akong nagpo-promote. Pag-usapan natin kung pa'no ko nabuo ang isa sa mga akda ko na tinawag kong "accidental novel" dahil lang sa hindi ito nagsimula sa mabusising proseso ng storyline, outlining at research. Sana walang tumaas na kilay. Pag-usapan nat