"Mr. Sunshine" Netflix Series Review
Dalawang beses ko nang napanood nang buo ang lahat ng episodes ng Korean Drama na `to. Tatlong beses sana kung natapos ko noon sa GMA. Noong una, solo ko lang pinanood. Ilang beses akong naluha. Nitong huli, kasama ko nang manood `yung girlfriend ko. Siya naman `yung umiyak. Ang timeline ng kuwento; late 1800's to early 1900's sa Korea. Anak ng mag-asawang alipin sa Joseon ang bida (si Yu Jin/Eugene.) Pinatay ang Tatay niya matapos pagbintangan na nagnakaw, habang nagpakamatay naman ang ina matapos ibuwis ang buhay para lang mapatakas ang noo'y sampung taon pa lang na bida. (Pero may political story sa likod ng insidenteng ito.) Tumakas ang bata dahil papatayin din kasi sana siya, ayon kasi sa maimpluwensyang nobleman ng Kim Family, ang kasalanan daw ng mga magulang ay kasalanan din ng anak. Sa tulong ng isang potter na nakatira sa tabing-dagat at misyonaryong amerikano, naipuslit ang bata papuntang Amerika, para takasan ang mapang-aping sistema ng J