PLUMA AT IMPLUWENSYA
Larawan ng aking MOP Journal o Blue Note Book. Kasama ng mga Homemade Komiks ko na highschool ko pa gawa. Lahat ito, parte ng koleksyon ko mula sa isang lumang baul. Puwede na sa Museum! Kung iniisip mo na makababasa ka sa akdang ito ng mga teknik sa pagsusulat, pasensya na pero nagkakamali ka. Mas mabuti kung huwag mo nang ituloy ang pagbabasa dahil baka sa huli ay madismaya ka lang. Isinulat ko ito para sa mga pangarap na kulang sa apoy. Pakiramdam ko kasi ay trabaho ko ang magpabaga sa mga tuyong uling ng kanilang musmos na ambisyon. Para rin ito sa mga natutuyuang sinaing, pakiramdam ko kasi ay trabaho ko ang magdagdag ng tubig sa kaldero nila, bago sila matutong sa maling sukat ng sabaw. Pero higit sa trabaho, ito ay isang tungkulin dahil hindi ko hangad ang ano mang kabayaran. Matapos ang paghiram ng isang iskuwelahan sa isa sa aking mga akda noon na ginamit para sa kanilang School Journal, naisip kong kailangan ko palang maging mas maingat sa pagsusulat at paglalapat n