HUWAG N'YO NANG BASAHIN, WALA LANG `TO.

Kinanginang Earth `to.

Noon, iniisip ko na magandang ideya ang work from home. Walang stress sa traffic. Walang likod na sasakit sa pila. Walang gastos sa pamasahe at tipid sa labada dahil walang uniporme. Napag-isip-isip ko ngayon na hindi rin pala maganda, lalo kung hindi ka self-employed gaya ng mga artistang mabenta pa rin kahit sa social media platforms.
Isipin mo. `Yung pressure ng trabaho na ang reliever sana e ang nakaka-relax na tahanan at higaan, hindi mo lang naging kapit bahay kundi naging kasiping mo pa. Kapag nagigising ako mula sa pagtulog, pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko dahil natulog lang ako sa trabaho. Walang time in, walang time out. Ang trabaho ay anytime at anywhere. May pagkakataong natutuliro `yung daliri ko sa pagtipa habang tumatae.
At dahil nga nasa bahay ka, maraming hadlang sa productivity. Pero hindi mo kontrolado ang lahat, dahil hindi ka diyos sa bahay at hindi sakop ng jurisdiction ng company policies ang tahanan n'yo. Hindi bilang sa oras ng trabaho `yung pagkakataong may mental block ka dahil sa samu't saring ingay ng umiiyak na bata, kalansing ng mga plato sa kusina, tugtog ng radyo, ingay ng pinanonood sa cellphone, garalgal ng bentelador, telebisyong puro replay ang palabas at kung minsan kapatid kong ML Player na nagmumura nang malutong at malakas. Walang bayad ang pagkatulala. Walang bayad ang mga oras na nagugugol sa lutang na utak dahil sa ingay ng paligid. Hindi ka rin puwedeng magreklamo.
Halos araw-araw na `kong inaabot ng alas kuwatro nang umaga, dahil alas dose na nagsisimula ang katahimikan sa bahay. Ang hirap din na wala kang personal workspace. Maaabala ka ng bata, ng mga nagpapalisaw-lisaw sa puwestong kahit saan e parang mga nananadyang dumaan at kumalkal nang kung ano. Napakahirap magtrabaho kapag hindi payapa, lalo na kung trabaho mong mag-isip nang may kapayapaan.
Sino'ng hindi mabi-buwisit sa kalagayan ngayon ng lahat dahil sa lumalalang krisis na dulot ng pandemya? Sino ba'ng dapat sisihin? `Yung mga kapwa natin Pilipino? Sila ba talaga ang problema?
Kamakailan, nag-rant sa narinig na balita `yung kapatid ko. Paano raw hindi tataas ang cases, kahit MECQ e labas pa rin nang labas ang mga tao. Sinagot ko na natural lang na lumabas dahil wala namang ayuda. Kakayod sila sa sarili dahil kung aasa sila, kukutyain lang sila dahil sa gobyerno inaasa ang lahat. Kung tutuusin dapat naiisip niya `yun, dahil isa rin siya sa lumalabas araw-araw para pumasok sa trabaho. Ang problema kasi sa Pilipino, kapag siya ang gumagawa, laging tama. Parang gobyerno ni Duterte. Kapag sila ang gumawa, kahit masama, sila ang tama. Edi sila na ang tama. Tamaan sila nawa.
P.S.
Ngayon pa lang ako matutulog dahil sa Generally Modified and Enhanced Sleep Disorder.
--- Jan Ariel Ungab

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

IBALIK ANG SHINE SA ATING SHORE: ANG PANGARAP NG MGA TAGA-BARANGGAY PUNTA

TUKLASIN: Isang "Wooden Tablet" na may kakayahang mag-flash ng video sa isang TV Screen, alamin kung saan matatagpuan!

Paano simulan ang pagsusulat ng Science Fiction?