Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre 12, 2020

Paano simulan ang pagsusulat ng Science Fiction?

Imahe
    Mahaba `to, pero worth it.  Pramis!  Libre kita ng kape kapag hindi.  Pero sa ngayon, kuha ka muna ng sarili mong kape at simulan ang pagbabasa.      Nakatali ngayon ang kamay ko sa keyboard dahil sa laksa-laksang sulatin at kuwentong kailangang matapos bago ang deadline.  Sa totoo, malayo-layo pa ang deadline.  Ilang baso ng kape pa ang patutumbahin ko bago mataranta lahat ng brain cells ko at maobligang pigain ang sariling katas.  Pero dahil nakakapanghinayang ang oras na nakatitig sa patay-sinding cursor, pag-usapan natin ang genre ng Science Fiction.      2017 nang magsimula akong umambisyong tumahi ng isang Science Fiction Novel.  Sabog na sabog ako at sobrang sabik.  May research papers, illustrations, character profile, plot, news references at sumali sa kung ano-anong investigative group sa mga usapin na tinatawanan ng iba.  Kung tatanungin n'yo ako sa mga naisulat ko nang kuwento at susundan n'yo `yun ng pag-usisa kung alin doon ang Science Fiction, sasabihin ko sa