CREEPY EXPERIENCE WITH SSS
Nagpoproseso ako ng loan ngayon sa SSS. Para naman pagkatapos ng limang taon e, sa unang beses e magkaroon na ng silbi sa`kin `yung presensya nila na buong-sipag na humuhuthot ng kung magkano man buwan-buwan mula sa sahod ko. Pero may mga kakaiba akong napansin. Kasalukuyan, hinihintay ko ang approval ng Disbursement Account Enrollment ko. Magdadalawang linggo na, wala pa ring balita. Binisita ko `yung page nila at puno ng reklamo at follow ups doon. Walang sasagot maliban sa scripted na reply. Wala ka ring matatawagan na mobile number. Magsasakripisyo ka ng regular load, para lang may makausap na tao sa SSS. Totoong tao ha. Ito ngayon `yung nakakakilabot na karanasan. Sa loob ng ilang araw na tinatawagan ko `yung landline ng SSS Malabon Branch, laging busy ang linya. Kung mag-ring man, wala namang sumasagot. Kanina, naganap ang pinakanakakapanindig-balahibong pangyayari. Nag-ring ang isa sa mga numerong busy palagi. Sa maikling ring, may sumagot sa tawag. Okay n