BEHIND THE PAGES: BAYANI SA MUNDO NG MGA PIPING SAKSI
Bayani sa Mundo ng mga Piping Saksi (2019) Hindi ko alam kung ironic. Natapos ko ang manuscript at first draft ng nobelang ito habang nasa isang Museum, at natanggap ang Proofing Copy habang nasa isang Museum din. Hindi ako nagpo-promote, pero baka may mapulot kayong aral sa karanasan ko at desisyon sa buhay nang ipursigi ko ang Self Publishing nitong una kong libro (na hindi pa nasusundan dahil sa Pandemic.) Kahit nabasa mo na `to o hindi pa, basta may plano kang sumugal sa Self Publishing, mainam na malaman mo kung pa'no nauwi sa libro ang simpleng ideya na naging anak ng sama ng loob at kung bakit nakuntento ako sa iilang kopya lang. Himayin natin ang kuwento sa likod ng "Bayani sa Mundo ng mga Piping Saksi." 2013 noon nang umabot sa`kin ang balita na ipagkakatiwala sa`min ng mga kaibigan ko ang rerun ng isang musical play na para sa ika-150 na kaarawan ni Andres Bonifacio. Malaking bagay sa`kin na maging parte ng produksyong `yun, dahil kung tutuusin, isa