SECRETS OF THE MOON LANE: 'A SECRET TO UNFOLD'
KUNG kahibangan ang pagkukuwento tungkol sa isinusulat na kuwento, hayaan n'yong mahibang muna ako sa ngayon. Sinusulat ko ngayon ang kuwentong "Secrets of the Moon Lane" na ang istorya ay tungkol sa isang lalake na bigla na lang napadpad sa isang lugar na misteryoso at malayo sa karaniwang mundo. Nasa gitna ako ng biyahe sa bus nang pumasok sa isip ko ang kuwentong ito. Epekto ng traffic? Epekto ng inconvenient na facemask at faceshield? Puwedeng 'Oo', puwede ring 'Hindi'. Sa gitna kasi ng biyahe na `yon e tulala ako nang dahil sa isang musika. Sabayan pa ng pagpasok sa isip ko ng isang ideya na matagal ko nang nabasa at napag-aralan. Suffocated na tayo ng bad news, fake news at foul-mouthed national leader with incompetent appointees. Dahil sa pandemya, obligado tayong dumistansya sa mga kapwa natin. Umiiwas na makahawa at umiiwas na mahawaan. Paano kung isang araw e magising na lang tayo sa isang bagong mundo? Sa isang mundo kung saa