CREEPY EXPERIENCE WITH SSS


    Nagpoproseso ako ng loan ngayon sa SSS.  Para naman pagkatapos ng limang taon e, sa unang beses e magkaroon na ng silbi sa`kin `yung presensya nila na buong-sipag na humuhuthot ng kung magkano man buwan-buwan mula sa sahod ko.  Pero may mga kakaiba akong napansin.  Kasalukuyan, hinihintay ko ang approval ng Disbursement Account Enrollment ko.  Magdadalawang linggo na, wala pa ring balita.  Binisita ko `yung page nila at puno ng reklamo at follow ups doon.  Walang sasagot maliban sa scripted na reply.  Wala ka ring matatawagan na mobile number.  Magsasakripisyo ka ng regular load, para lang may makausap na tao sa SSS.  Totoong tao ha.

    Ito ngayon `yung nakakakilabot na karanasan.  Sa loob ng ilang araw na tinatawagan ko `yung landline ng SSS Malabon Branch, laging busy ang linya.  Kung mag-ring man, wala namang sumasagot.  Kanina, naganap ang pinakanakakapanindig-balahibong pangyayari.  Nag-ring ang isa sa mga numerong busy palagi.  Sa maikling ring, may sumagot sa tawag.  Okay na sana, kaso walang nagsasalita.  Walang tumutugon sa "hello" ko.  Kahit ungol man lang---wala.

    Marahil ito na ang pinakamalaking ebidensya na totoo ang theory of evolution ni Charles Darwin.  Dati ang duda ko lang e matatandang bobo gumamit ng technology ang nagtatrabaho sa SSS.  Nagbago `yung pananaw ko nang malaman kong may Online Applications na para sa ano mang transactions.  Sabi ko sa sarili ko, nagi-improve naman pala sila kahit puro sila bobo.  Pero ngayong araw na `to, lumakas ang kutob ko.  Homohabilis ang mga nagtatrabaho sa SSS.  Walang marunong gumamit ng Cellphone.  Walang marunong gumamit ng computer.  Walang marunong gumamit ng telepono.  Higit sa lahat, walang marunong magsalita.  Hindi nag-eexist ang technology para sa kanila.  Mukhang nahihiya pa nga mag: "Hoo!  Hoo!  Hwa!  Hwa!"  (At least, may hiya.)  Iniisip ko na hindi kaya isang genetically modified na daga lang ang nagpapatakbo sa buong SSS?  Sumobra sa talino saka ginamit `yung mga Homohabilis para palabasing empleyado kunwari.

    Balak ko'ng pumunta nang direkta sa opisina ng SSS.  Magdadala ako ng sulo o kahit siguro posporo lang na sisindihan pagpasok ko sa loob.  Alin lang sa dalawa ang inaasahan ko.  Matatakot sila kapag nakita `yung apoy o kaya magsasayawan sa tuwa dahil makakatikim na sila ng lutong karne.  No more hilaw na karne!  Hoo!  Hoo!  Hwa!  Hwa!


--- Jan Ariel Ungab

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

IBALIK ANG SHINE SA ATING SHORE: ANG PANGARAP NG MGA TAGA-BARANGGAY PUNTA

TUKLASIN: Isang "Wooden Tablet" na may kakayahang mag-flash ng video sa isang TV Screen, alamin kung saan matatagpuan!

Paano simulan ang pagsusulat ng Science Fiction?