TUKLASIN: Isang "Wooden Tablet" na may kakayahang mag-flash ng video sa isang TV Screen, alamin kung saan matatagpuan!



                Kinagigiliwan ngayon ng mga guro at estudyante ang isang pambihirang wooden tablet na matatagpuan sa isang exhibit sa Pasay.  Ang mga wooden tablet ay may nakaukit na imahe ng iba't ibang Marine Creature na aabot hanggang sa dalawampung (20) species.  Kinamamanghaan ito ng mga bisita ng exhibit, dahil kapag ipinapatong ang wooden tablet sa computer box ay nagpa-flash ito ng actual footage ng mga Marine Species sa screen, gaya ng mga sea slug, cuttle fish, frog fish, at iba pa.


                Ang mga video at impormasyon ng mga Marine Species na tampok sa bahaging ito ng exhibit ay kuha ng mga taga-California Academy of Sciences sa kanilang ekspedisyon sa Verde Island Passage na matatagpuan sa karagatang namamagitan sa Batangas at Mindoro.  Ito ang itinuturing na pinaka-masaganang karagatan hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.
                Dahil itinuturing na endangered na ang mga naturang species, ipinagbabawal na silang hulihin at alisin sa dagat.  Kaya iniukit na lamang sila sa mga wooden tablet na nilagyan ng mga NFC Chips sa loob na may kakayahang mag-transmit ng data gaya ng video na siyang nagpa-flash sa TV Screen.


                Ang exhibit na ito na kilala bilang "A Glass Of the Sea" o AGOS ay maaaring bisitahin sa Manila Film Center, CCP Complex, Pasay City.  Ito ay bahagi ng proyektong Travelling Exhibit ng The Mind Museum sa pakikipagtulungan ng California Academy of Sciences.  Layon ng exhibit na ipalaganap ang impormasyon tungkol sa Coral Triangle, Verde Island Passage at sa kayamanang pangkaragatan ng Pilipinas.  At para na rin maipaunawa sa mga bibisita ang kahalagahan ng pangangalaga sa Marine Biodiversity ng bansa.




-- Jan Ariel Ungab

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

IBALIK ANG SHINE SA ATING SHORE: ANG PANGARAP NG MGA TAGA-BARANGGAY PUNTA

Paano simulan ang pagsusulat ng Science Fiction?