Mga Post

IBALIK ANG SHINE SA ATING SHORE: ANG PANGARAP NG MGA TAGA-BARANGGAY PUNTA

Imahe
"Men are moved by two levers only: fear and self-interest" ~Napoleon Bonaparte           MINSAN MO NA bang narinig o nabasa ang quotes na `to mula kay Napoleon Bonaparte?  Kung hindi pa, malamang hindi ka rin pamilyar kung sino ba si Napoleon?  Isang French military and political leader na naging prominente noong French Revolution.  Siya lang naman ang naging de facto leader ng French Republic as First Consul mula 1799 to 1804.  Pero hindi tungkol sa kanya ang artikulong ito. Nagkataon lang na laging sumasagi sa isip ko `yang quotes na `yan habang sinusulat ko `to.  Siguro umay ka na, pero no choice ka.  Pag-uusapan natin ang mga kababayan natin na nagsi-siyesta habang nilalagnat ang daigdig.           Bago pa ba sa pandinig mo ang global warming?  Eh ang climate change, greenhouse effect, forest degredation, forest denudation, at....end of the world?  Pustahan, sa lahat ng nabanggit, doon ka sa huli pinakanakiliti.  Bakit?  Kasi nga, isa ang "takot" sa mga puwersan

MARKETINGISTRATEDYI.

Imahe
"Integrity is telling myself the truth.  And honesty is telling the truth to other people." ~Spencer Johnson   Pa'no mo nga ba mapapanatili ang magandang takbo ng sales sa negosyo mo?  Paano mo mahihikayat `yung mga first time customers na bumalik at pa'no mo masisiguro ang loyalty ng mga nakailang ulit nang bumabalik dito? Gusto ko sanang pag-usapan `yung Marketing Strategy.  Pero since wala akong binatbat at hindi ako expert, mas gusto kong pag-usapan `yung hindi tamang Marketing Strategy.  At `yung maling pamamaraan ng pagse-sales talk sa mga customer. Uulitin ko.  Hindi ako expert, pero alam ko ang tama at mali.  At heto na nga... 1.  CLEANLINESS & SANITATION Kapag pagkain ang negosyo mo, kailangan mong siguruhin na malinis ito mula sa storage, hanggang sa proseso ng pagluluto, at maging sa mismong kasangkapan kung saan mo ito hinahain.  Hindi dapat sinasakripisyo ang kalinisan sa paghahabol ng malaking kita. Mahalaga ring iwasan ang pagse-serve ng panis o `yu

CREEPY EXPERIENCE WITH SSS

Imahe
    Nagpoproseso ako ng loan ngayon sa SSS.  Para naman pagkatapos ng limang taon e, sa unang beses e magkaroon na ng silbi sa`kin `yung presensya nila na buong-sipag na humuhuthot ng kung magkano man buwan-buwan mula sa sahod ko.  Pero may mga kakaiba akong napansin.  Kasalukuyan, hinihintay ko ang approval ng Disbursement Account Enrollment ko.  Magdadalawang linggo na, wala pa ring balita.  Binisita ko `yung page nila at puno ng reklamo at follow ups doon.  Walang sasagot maliban sa scripted na reply.  Wala ka ring matatawagan na mobile number.  Magsasakripisyo ka ng regular load, para lang may makausap na tao sa SSS.  Totoong tao ha.     Ito ngayon `yung nakakakilabot na karanasan.  Sa loob ng ilang araw na tinatawagan ko `yung landline ng SSS Malabon Branch, laging busy ang linya.  Kung mag-ring man, wala namang sumasagot.  Kanina, naganap ang pinakanakakapanindig-balahibong pangyayari.  Nag-ring ang isa sa mga numerong busy palagi.  Sa maikling ring, may sumagot sa tawag.  Okay n

"Mr. Sunshine" Netflix Series Review

Imahe
     Dalawang beses ko nang napanood nang buo ang lahat ng episodes ng Korean Drama na `to.  Tatlong beses sana kung natapos ko noon sa GMA.  Noong una, solo ko lang pinanood.  Ilang beses akong naluha.  Nitong huli, kasama ko nang manood `yung girlfriend ko.  Siya naman `yung umiyak.      Ang timeline ng kuwento; late 1800's to early 1900's sa Korea.  Anak ng mag-asawang alipin sa Joseon ang bida (si Yu Jin/Eugene.)  Pinatay ang Tatay niya matapos pagbintangan na nagnakaw, habang nagpakamatay naman ang ina matapos ibuwis ang buhay para lang mapatakas ang noo'y sampung taon pa lang na bida.  (Pero may political story sa likod ng insidenteng ito.)  Tumakas ang bata dahil papatayin din kasi sana siya, ayon kasi sa maimpluwensyang nobleman ng Kim Family, ang kasalanan daw ng mga magulang ay kasalanan din ng anak.      Sa tulong ng isang potter na nakatira sa tabing-dagat at misyonaryong amerikano, naipuslit ang bata papuntang Amerika, para takasan ang mapang-aping sistema ng J

BEHIND THE PAGES: THE WRITER'S BRIDE

Imahe
"Write to express, not to impress." "Write from your heart and don't just follow the trend." "Write with a purpose and not just because you want to be famous."      Ilan lang `yan sa mga gasgas na pangaral na siguradong narinig n'yo na.  Maaaring sinabi sa inyo, kinomento sa akda n'yo o kung hindi man e naging malaking balakid sa creative freedom n'yo dahil sa pagiging conscious sa sasabihin ng iba.  Dahil d'yan, nandito nanaman tayong muli sa isang segment ng "Behind The Pages" kung saan kukuwentuhan ko nanaman kayo kung pa'no ipinanganak ang isa sa mga akda ko na siguradong hindi n'yo pa nababasa, pero huwag n'yong basahin dahil baka mahusgahan akong nagpo-promote.      Pag-usapan natin kung pa'no ko nabuo ang isa sa mga akda ko na tinawag kong "accidental novel" dahil lang sa hindi ito nagsimula sa mabusising proseso ng storyline, outlining at research.  Sana walang tumaas na kilay.  Pag-usapan nat

BEHIND THE PAGES: BAYANI SA MUNDO NG MGA PIPING SAKSI

Imahe
Bayani sa Mundo ng mga Piping Saksi (2019) Hindi ko alam kung ironic.  Natapos ko ang manuscript at first draft ng nobelang ito habang nasa isang Museum, at natanggap ang Proofing Copy habang nasa isang Museum din.     Hindi ako nagpo-promote, pero baka may mapulot kayong aral sa karanasan ko at desisyon sa buhay nang ipursigi ko ang Self Publishing nitong una kong libro (na hindi pa nasusundan dahil sa Pandemic.)  Kahit nabasa mo na `to o hindi pa, basta may plano kang sumugal sa Self Publishing, mainam na malaman mo kung pa'no nauwi sa libro ang simpleng ideya na naging anak ng sama ng loob at kung bakit nakuntento ako sa iilang kopya lang.  Himayin natin ang kuwento sa likod ng "Bayani sa Mundo ng mga Piping Saksi."      2013 noon nang umabot sa`kin ang balita na ipagkakatiwala sa`min ng mga kaibigan ko ang rerun ng isang musical play na para sa ika-150 na kaarawan ni Andres Bonifacio.  Malaking bagay sa`kin na maging parte ng produksyong `yun, dahil kung tutuusin, isa

PLUMA AT IMPLUWENSYA

Imahe
Larawan ng aking MOP Journal o Blue Note Book. Kasama ng mga Homemade Komiks ko na highschool ko pa gawa. Lahat ito, parte ng koleksyon ko mula sa isang lumang baul. Puwede na sa Museum! Kung iniisip mo na makababasa ka sa akdang ito ng mga teknik sa pagsusulat, pasensya na pero nagkakamali ka.  Mas mabuti kung huwag mo nang ituloy ang pagbabasa dahil baka sa huli ay madismaya ka lang.  Isinulat ko ito para sa mga pangarap na kulang sa apoy.  Pakiramdam ko kasi ay trabaho ko ang magpabaga sa mga tuyong uling ng kanilang musmos na ambisyon.  Para rin ito sa mga natutuyuang sinaing, pakiramdam ko kasi ay trabaho ko ang magdagdag ng tubig sa kaldero nila, bago sila matutong sa maling sukat ng sabaw.  Pero higit sa trabaho, ito ay isang tungkulin dahil hindi ko hangad ang ano mang kabayaran.      Matapos ang paghiram ng isang iskuwelahan sa isa sa aking mga akda noon na ginamit para sa kanilang School Journal, naisip kong kailangan ko palang maging mas maingat sa pagsusulat at paglalapat n